Thursday, August 2, 2007

This is not my week...

Thursday, July 26

Ateneo-La Salle Game. Sinugod namin si Tina Tolentino sa Araneta dahil hindi sya nagrereply at hindi namin alam kung nareserve nya ung tickets namin o hindi. We reserved our tickets 2 weeks before pero ayun, hindi nya pa rin sinasabi kung meron o hindi, so pinuntahan namin sya. 10 lang instead of 25 rineserve nya. Tapos natalo pa kami. May katabi pa kong Atenean. Grrr...

Friday, July 27

Went to Selah, cafe ni achi Cindy (no, I'm not Chinese, but she is) sa Cybergate sa Robinson's. Ako nag-drive sa EDSA (woohoo) papunta dun kahit masama na pakiramdam ko. When we got there si Ate Anna na pinapark ko kasi nagmamadali na sya e hindi ako sanay mag park, lalo na sa maayos na parking lot . Linock nya ung pinto sa driver's seat from the outside, at muntik nang mabali ung susi ko. Buti nalang hindi natuluyan. Gumagana pa naman sya. (Actually tumuwid nga sya kahapon e, pinilit ko naman buksan ung passenger seat).

Saturday, July 28

This is when I really got sick. I just stayed at home all day. I was hoping na isang araw lang ako magkakasakit since Sunday na kinabukasan.

Sunday, July 29

I went to church in the morning pero di na ako nakatupad sa PNK. I had a really high fever. Nanood kami ng Simpsons Movie. Tumaas maslalo ung lagnat ko kasi malamig sa sine.

Monday, July 30

Ngayon pa lang ako nagpa-check-up. Gusto ng mom ko sa Caritas Health Shiled, para walang bayad. Haha. Ayoko kasi may pila. Sya nasunod. Maginaw sa office ng Caritas, linagnat ako ulit. Binigyan kami ng authorization letter, tapos pumila naman kami sa doctor. Binigyan ako ng prescription. Gwapo daw ung doctor sabi ni ate. Pinabili ko sa katulong namin ung gamot. Ang mahal.

Tuesday, July 31

I was feeling better pero di pa din ako pumasok. I was really bored kaya kumain nalang ako ng kumain. Enrollment. Wala na kong makuhang mga section sa mga importanteng subjects. Ung mga minor, well, wala din. 12 units lang na-enroll ko, magkakalayo pa ung oras. Wala pa kong major subject. Kailangan kong maging advance enrollee!

Wednesday, August 1

May quiz sa BUSCALC. TANGINA. Wala akong alam. May mga nakalimutan din akong gawin sa KASPIL2. Group work pa naman sila. Oh well. Sila kasi e, sa akin lang umaasa. Akala naman nila responsable ako.

Thursday, August 2

Binalik ung quiz ko sa ECONTWO. 18/30. Nagbigay siyang seatwork. Tinitigan ko lang. Absent mga katabi ko, wala akong makopyahan. Pinaxerox ko ung libro nya para meron na kong alam next time. 90 pages. Nagpapicture ako para sa Press ID ko sa The LaSallian. Ang pangit ko. Sayang ung 75 pesos. Kumain nalang ako sa McDo kasi gusto ko ng Twister Fries. Ayun, masarap naman. Magpapagupit sana ako sa Fix kaso narealize ko wala na pala akong pera. Umuwi nalang ako.

Kita nyo naman kung gano kalungkot linggo ko. Pero syempre tinatawanan nalang mga ganyang bagay. Mahirap nang pag-isipan pa. Baka maging emo ako ulit. Anyway, naglabas lang po ng sama ng loob.

No comments:

Post a Comment