Wednesday, August 15, 2007

Best driver ever!

Obstruction of traffic. Hindi lang basta basta obstruction yan, tumigil ako sa intersection ng Qurino at Osmeña! Yehey!

Backed up too far, bitch! Hindi ako tumingin sa likod ko habang umaatras ako. May tricycle pala. Naipit ko ung fingers nya. Nagsorry nalang ako nang nagsorry. Buti hindi sya nagalit. Kahit masakit na daliri nya.

Reckless driving! Papunta akong school para isubmit ung office circulation sheet for the LaSallian. Masyado akong mabilis kaya hindi muna ako nag-break kahit yellow light na. Ayun. 500.

EDSA. Kahit sobrang tagal, nakarating naman kami! Hindi ko naman kasalanan kung matagal eh! Hindi ako ung mabagal, ung mga nasa harap ko!

Swimming tayo! 2 beses na ko nagpalangoy ng sasakyan. Bad trip lang ung una kasi sobrang taas ng baha tapos pagdating ko sa school wala na palang pasok. Malapit nang tumirik kotse ko, pero nakauwi naman ako. Last week lang pala to. Kanina naman dala ko ung sasakyan ng Dad ko kaya hindi naman nagkaproblema. Automatic naman un e, parang bump car lang. Hehehe.

So un. Wala pa naman akong napapatay at gumagana pa naman ung kotse, so I guess I'm an OK driver. Haha. Ano, gusto nyo makisakay?

No comments:

Post a Comment