Haaay, Saturday nanaman, may ROTC ulit! Kaso may problema... Bigla akong inatake ng asthma nung... well... Di ako sigurado kung kailan exactly, pero nung Friday night lumala sya! Naisip ko na sayang naman ung attendance kung hindi ako papasok, tapos marami pa akong mamimiss, kaya pumasok pa rin ako.
Sabi ko na nga ba eh, sinwerte lang ako last week. This week, nag-exercise kami, tapos hindi rin umulan kaya nasa araw lang kami. Pero sa bagay, hindi naman ako tumayo sa field nang matagal eh. Pasaway ako eh, alam ko namang may asthma ako, sinubukan ko pa rin gawin ung exercises. Kaya ayun. Pagkatapos ng exercise, nahilo ako, nahirapan akong huminga tapos ung pinaka-nakakatakot, unti-unting nawawala ung sense of sight ko. Pero xempre di pwedeng himatayin sa field. Wa-poise. Kaya sinabi ko sa batch rep na I need permission to faint (haha) tapos ayun, pumunta ako sa kiosk ng model battalion. After a while I felt OK pero di pa ko bumalik sa field agad. Oh well. Glad that's over.
No comments:
Post a Comment