Sunday, June 4, 2006

1st post!

Hoy! Hehe, wala lang. Wala akong magawa eh, so I decided to give this blogging thing a try. I tried this before though, ako pa nga gumawa ng HTML code eh! Hehe. Pero tinamad ako nun. Meron din akong journal noon sa gamingforce, kaso when it crashed, na-delete ung mga post ko. Sayang! Haha. One of these days magsasawa din ako at tatamarin din ako gumawa ng mga post, but for the meantime, basahin nyo muna to!

well, I just finished that test in http://www.politicalcompass.org and the results were, as expected, ayoko sa gobyerno. Kasalanan to ni Beltran eh! Haha. Pero seriously, liberal ako mag-isip pagdating sa politics. Tahimik lang ako kasi wala akong masyadong alam about current events or politics in general. Hehe. Pero ngayong may POLISCI subject ako, that's bound to change . I don't want to be like my dad though. Parang papatay kung makipag-argue about politics. Para namang may magbabago pag napatunayan mong tama ang opinyon mo tungkol kay Gloria sa mga kapatid ng asawa mo. Sa bagay, kung di mo rin sasabihin, maslalong walang mangyayari. Oh well. The mirror has two sides. Haha, san ko ba nakuha un? Sa survey yata sa Friendster.

Speaking of Friendster, buti nalang binasa ko ung bulletin ni Tasing, naalala kong may assignment pala sa ACTBAS1! Para sa mga hindi Frosh ng La Salle, Accounting un. Formerly known as Accom1 yata. Buti nalang din at nabasa ko ung sirvey na yun dahil muntik na ko mag-post ng ganung survey din na galing kay Rap. Baka isipin ni Tasing lahat nalang ng pinost nya rinerepost ko. Haha. Di nalang ako nagpost ng survey. Nakakatamad sumagot ng mga tanong na wala namang babasa. Haha. Sa bagay, nakakatamad rin namang magpost ng Blog Entry na wala ding babasa. Pero sa ngayon di pa ko tinatamad, kaya hayaan nyo nalang muna ako.

No comments:

Post a Comment