Saturday, June 10, 2006

...:D

I just came back from ROTC and it was unexpectedly fun! Ewan ko ba, ung iba hirap na hirap na pero ako ayos lang. Hindi ko na nga napansin na wala pa pala akong kinakain eh. Siguro I was just lucky kasi kanina walang exercise kasi may activity daw (na hindi naman natuloy) tapos umulan pa so we didn't have to stand under the sun for that long, pero xempre ang init pa din . Pero sa totoo lang ha, masaya pala mag ROTC. I felt so alive. I love the feeling of achievement na nakukuha ko after training. Ang ayaw ko lang sa ROTC ung kailangan mo pa pag-aralan ung kung anu-anong bagay tungkol sa AFP at Navy, pero salamat sa bago kong idol na si Sir Favis, sa tingin ko papasa naman ako sa quiz .

Medyo kinabahan lang ako kanina kasi naarawan si iJeff (para sa mga hindi nakakaalam, si iJeff ang butihin kong iPod nano na kahit 1G lang ang space, mahal na mahal ko ) nung pinag-squatras kami (un ba ung spelling nun?) tapos nung chineck ko parang naka-debug mode! Alam mo un, parang MS-DOS ung lumabas sa screen! Tapos hindi ko magalaw ung options! Akala ko tuloy sira ung clickwheel! Un pala para gumalaw ung cursor ung Next Track button pala pipindutin . Malay ko ba!? Ang init-init talaga kanina eh, tapos nung hinawakan ko si iJeff ang init talaga nya. Nakalagay pa man din xa sa aluminum case! Akala ko talaga kanina nasira na si iJeff. Un pala kailangan ko lang piliin ung "Reset" sa MS-DOS mode ng iPod tapos babalik na sya sa dati. Haaay. Adventure talaga. I love you iJeff!

Nung nalaman kong OK na si iJeff, bumalik akong La Salle para ipa-cancel ung order ko ng combat boots. Mas mura daw kasi sa Recto. As if I didn't know... Maraming tao pagkatapos ng ROTC eh, kaya lumabas muna ako para mag... moments... Haha. Alam ng mga pinsan ko kung ano ibig sabihin nun. Para sa mga Lasallista, ginagawa to ng mga tao sa UM. Alam nyo na un. Maayos naman kausap ung nagbebenta ng fatigue. Nagulat nga ako eh. Akala ko magrereklamo pa sya kasi di ko kagad sinabi and yadayadayada, katulad ng ibang tindera, pero kinuha nya lang yung resibo tapos binawasan ng 1200 ung price. Haha. Ang saya no? 3000 ung binigay sa akin ng mom ko kasi ung unang nakalagay sa resibo 2780, eh since hindi ko na kinuha ung combat boots at bumili nalang ako sa Recto sa halagang 300 piso lamang (grabe, 1/4 ung price! di ko na nga tinawaran eh!), 1880 lang nagastos ko! Meron pa akong 1120! Haha. May pera na uli ako. Pero xempre for emergency use nalang un. Ah basta, wag kayong maingay kay mommy ha! Bumili din naman kasi ako ng 2 undershirt sa Bench na nagkakahalagang 340, kaya nabawasan din ung excess. Kaya wag nyo na akong konsensiyahin. Hindi gagana.

No comments:

Post a Comment