Thursday, July 13, 2006

Yay! Walang pasok!

Yehey! Dahil sa bagyong si Florita (who the hell thought of that name!?) walang pasok ngayon! Actually kahapon ng tanghali pa suspended ang klase, pero di naman kami apektado kasi hanggang 11:30 lang naman classes namin kahapon. Well, at least di na natuloy yung General Assembly ng Moomedia. I was actually excited to attend, kaso kami lang ni Gabo ung aatend kaya parang tinamad na ko. Ang lakas pa ng ulan kaya gusto ko na talagang umuwi that time. Pero anyway... Dahil walang pasok ngayon, hindi ko na kailangan mag-cram sa accounting! Bwahahahaha! Ngayon kasi dapat ung deadline ng Case Study, at wala pa akong nasisimulan! But thanks to the suspension of classes, hindi ko na kailangan magmadali. Medyo nahihirapan ako pero OK lang. Sa Tuesday pa naman ung submission eh! Bwahahahaha! Problema ko nalang ngayon ung sa TREDONE (Theology and Religious Education 1). Di ko pa nagagawa ung portfolio! Waaaaaahhh! Sa bagay, sa Tuesday pa din naman ung submission nun eh, pero xempre mas mabuti nang matapos ako ng maaga. Ang hirap kasi sa DLSU, everyday may assignment, kaya dapat talaga pagkabigay sa yo ng homework gawin mo na kagad to make time for other assignments that will be given. Oh well. A basta. Gagawin ko na nga to!

No comments:

Post a Comment