Haaaay nako. I know I said that I would eventually just leave this thing stagnant, but it turns out, eto nalang pala i-uupdate ko dito sa multiply site ko! Di naman kasi ako mahilig kumuha ng picture ng sarili ko, di rin ako kumukuha ng video, nag-upload na ko ng music at sa tingin ko naman ay OK na un, at may calendar na ako sa cellphone. Kailangan ko pa bang ilagay sa multiply yung schedule ko? Ung reviews, well, hopefully soon makakapagsulat din ako ng review.
Speaking of cellphone, lumabas na pala ung malupeeet na E70! Medyo steep ung pirce, pero I won't be buying it anytime soon naman eh. Alam nyo naman, medyo matipid ang aking mama, lalo na pagdating sa akin, so I'll probably get a new phone sa birthday ko pa. Medyo laos na un pero ayos lang. At least hindi ako naka-RAZR. Hahaha. Lahat nalang ng tao un ang cellphone. Pero di din ako sigurado kung un ung gusto ko. Parang mas OK yung N71 eh. More features. Un nga lang wala xang keyboard, which is really cool . Pero anyway, matagal pa oras ko para mag-decide. Sana lang matupad nga ang pangarap kong magkaroon ng bagong cellphone.
Bwiseeet na accounting yan! Ang hirap ng test! Sobrang nakakapagpasabog ng utak! Ang lamig pa dun sa room! Grabe, akala ko matatapos ako kaagad. Un pala sakto lang ung 3 oras na time! Tapos may cast study shit pa kami. Haaaay. Bwiset. Pahirap sa buhay. Now I understand why a lot of people fail this course. Sana nag ROTC nalang ako. Haha. Pinahawak na kami ng rifle eh. Ang saya, walang exercise. Kailangan lang namin buhatin ung rifle, which is quite heavy for your information, pero mas OK na un kaysa mag push-up. Bad trip nga lang kasi hindi ako makaka-attend this Saturday because of the Church's anniversary. Hindi pa man din ako maxadong marunong maghawak ng rifle. Pero mahahabol ko pa naman siguro yun next week. Sana... Pero mas OK kung ma-suspend nalang ung training sa Saturday, para wala akong absent at wala akong mamiss.
No comments:
Post a Comment