Wednesday, June 28, 2006

Ouch pare!

Bad trip kahapon! I went to the gym on Monday, pero OK naman. Pero kahapon, bigla nalang sumakit ung right ankle ko! It felt like a sprain, pero di naman xa maxadong masakit.... Until I entered A805! Sobrang lamig kasi eh, and it seemed like the colder it gets, the more my ankle swelled! Naka-sapatos pa man din ako nun, so narerestrict ung ankle ko. Sobrang sakit talaga. Di na ko makapaglakad ng maayos, pero I still try to. So ayun. Nakaalis na din ako. I went straight to Taft to commute home. Naisip ko na pag sasakay ako ng LRT, I'll be walking a lot farther and I'll be standing the whole time, so I opted to ride a jeepney instead. Things got a little better at this point. Since I was sitting, I was able to take my shoe off. Wala namang fungus paa ko eh. Hehehe. The driver was a little reckless, pero OK lang un. Exciting. So I got home and would you believe it? May masseuse! I had my ankle massaged. Sobrang sakit at first, pero it got better after a while. Today I didn't go to school kasi medyo masakit pa ung ankle ko, pero I can walk properly now. So un. Hopefully tomorrow I can go back to school. May test pa naman sa accounting. Hehe. So I guess hanggang dito nalang muna!

Thursday, June 22, 2006

Well, well!

Sabi ko sa iyo eh, tatamarin din ako magsulat dito. Excited lang ako nung bago. Hehe. So, what the hell's been happening with my life anyway?

Since last Saturday, tumigil muna ako magyosi kasi nga baka lumalala ung asthma ko, pero ewan ko lang. Hindi naman yata talaga un ung cause eh. Maybe nagka-asthma ako kasi sobra ako pagpawisan, tapos bigla akong papasok sa malamig na classroom. Xempre, ang tagal pa bago ako makauwi kasi marami pang pabanjing-banjing kung saan-saan. Lalo na lately. Since may pasok na si Ate Anna, nag-aaral na uli sya sa library ng La Salle, kaya sabay na kami umuuwi. Which is at about 7. By that time tuyo na pawis ko. Tapos last Friday pa pauwi na ko when I saw my mom sa tapat ng tindahan namin. Papunta syang mall nun, so sumama na ko. Hehe. As usual pawis na pawis nanaman ako. Maybe I should start bringing an extra shirt to school. Naaah, magastos maxado. Kailangan ko lang siguro ayusin ung diet ko, kaso ang hiraaaap! Ilang beses ko na sinubukan pero ganun pa din. I just can't give up food. Despite popular belief, I actually like going to the gym, pero now that I have classes wala na kong time. If ever naman na may time, ang mahal ng pamasahe. If ever naman na may kotse ako, mahal ang gasolina at parking. Kung pupunta naman ako sa gym ni Kuya Jerome... Well... Wala lang. Ang cheap. Haha. Ang sama ko. Pero one of these days baka dun na din ako bumagsak. Maayos naman ung gym nya eh. I guess there's no hurt in trying. Pero pag ginusto ko na. I won't force myself. Oo nga pala, nagyosi na uli ako kanina. Isa lang naman eh. Hehehe.

Hmmm... What else? Oo nga pala, sumali na ko sa mga org sa school! Xempre sumali ako sa AdCreate Society kasi un ung org ng course ko, tapos sumali din ako sa Moomedia. Naubos nga pera ko eh. May membership fee kasi sila pareho. Pero magagamit ko naman siguro pareho un, so OK lang. Magbibigay nalang ako ng copy ng site ko sa Moomedia para makasali ako sa... Uhmmm... Ano nga pala tawag dun? Basta ung may kinalaman sa graphics! Haha. Kailangan daw nila ng sample ng work ko eh. Tamang-tama, may online portfolio ako! Naks, angas.

Di ko pa nga pala napagmamayabang sa blog na ito, highest nanaman ako sa quiz sa accounting! Ay mali, 2nd lang pala. Natalo ako ng 1 point nung hindi namin ka-block eh. Madelle yata pangalan nya. Pero OK lang un. 10 lang kami pumasa eh. Tapos 2.5 mistakes lang ako. Haha. Ang yabang ko nanaman.

Sige na mga friendly friends! Hanggang dito nalang muna!

Sunday, June 18, 2006

Weekly update!

Haaay, Saturday nanaman, may ROTC ulit! Kaso may problema... Bigla akong inatake ng asthma nung... well... Di ako sigurado kung kailan exactly, pero nung Friday night lumala sya! Naisip ko na sayang naman ung attendance kung hindi ako papasok, tapos marami pa akong mamimiss, kaya pumasok pa rin ako.

Sabi ko na nga ba eh, sinwerte lang ako last week. This week, nag-exercise kami, tapos hindi rin umulan kaya nasa araw lang kami. Pero sa bagay, hindi naman ako tumayo sa field nang matagal eh. Pasaway ako eh, alam ko namang may asthma ako, sinubukan ko pa rin gawin ung exercises. Kaya ayun. Pagkatapos ng exercise, nahilo ako, nahirapan akong huminga tapos ung pinaka-nakakatakot, unti-unting nawawala ung sense of sight ko. Pero xempre di pwedeng himatayin sa field. Wa-poise. Kaya sinabi ko sa batch rep na I need permission to faint (haha) tapos ayun, pumunta ako sa kiosk ng model battalion. After a while I felt OK pero di pa ko bumalik sa field agad. Oh well. Glad that's over.

Saturday, June 10, 2006

...:D

I just came back from ROTC and it was unexpectedly fun! Ewan ko ba, ung iba hirap na hirap na pero ako ayos lang. Hindi ko na nga napansin na wala pa pala akong kinakain eh. Siguro I was just lucky kasi kanina walang exercise kasi may activity daw (na hindi naman natuloy) tapos umulan pa so we didn't have to stand under the sun for that long, pero xempre ang init pa din . Pero sa totoo lang ha, masaya pala mag ROTC. I felt so alive. I love the feeling of achievement na nakukuha ko after training. Ang ayaw ko lang sa ROTC ung kailangan mo pa pag-aralan ung kung anu-anong bagay tungkol sa AFP at Navy, pero salamat sa bago kong idol na si Sir Favis, sa tingin ko papasa naman ako sa quiz .

Medyo kinabahan lang ako kanina kasi naarawan si iJeff (para sa mga hindi nakakaalam, si iJeff ang butihin kong iPod nano na kahit 1G lang ang space, mahal na mahal ko ) nung pinag-squatras kami (un ba ung spelling nun?) tapos nung chineck ko parang naka-debug mode! Alam mo un, parang MS-DOS ung lumabas sa screen! Tapos hindi ko magalaw ung options! Akala ko tuloy sira ung clickwheel! Un pala para gumalaw ung cursor ung Next Track button pala pipindutin . Malay ko ba!? Ang init-init talaga kanina eh, tapos nung hinawakan ko si iJeff ang init talaga nya. Nakalagay pa man din xa sa aluminum case! Akala ko talaga kanina nasira na si iJeff. Un pala kailangan ko lang piliin ung "Reset" sa MS-DOS mode ng iPod tapos babalik na sya sa dati. Haaay. Adventure talaga. I love you iJeff!

Nung nalaman kong OK na si iJeff, bumalik akong La Salle para ipa-cancel ung order ko ng combat boots. Mas mura daw kasi sa Recto. As if I didn't know... Maraming tao pagkatapos ng ROTC eh, kaya lumabas muna ako para mag... moments... Haha. Alam ng mga pinsan ko kung ano ibig sabihin nun. Para sa mga Lasallista, ginagawa to ng mga tao sa UM. Alam nyo na un. Maayos naman kausap ung nagbebenta ng fatigue. Nagulat nga ako eh. Akala ko magrereklamo pa sya kasi di ko kagad sinabi and yadayadayada, katulad ng ibang tindera, pero kinuha nya lang yung resibo tapos binawasan ng 1200 ung price. Haha. Ang saya no? 3000 ung binigay sa akin ng mom ko kasi ung unang nakalagay sa resibo 2780, eh since hindi ko na kinuha ung combat boots at bumili nalang ako sa Recto sa halagang 300 piso lamang (grabe, 1/4 ung price! di ko na nga tinawaran eh!), 1880 lang nagastos ko! Meron pa akong 1120! Haha. May pera na uli ako. Pero xempre for emergency use nalang un. Ah basta, wag kayong maingay kay mommy ha! Bumili din naman kasi ako ng 2 undershirt sa Bench na nagkakahalagang 340, kaya nabawasan din ung excess. Kaya wag nyo na akong konsensiyahin. Hindi gagana.

Friday, June 9, 2006

ROTC woes

Haaay nako. As usual, kailangan ko nanamang mag-aral, pero di pa ko nag-uumpisa. But this time its different. I was a bit more confident with the Accounting test kasi may prior knowledge na ko tungkol dun, and medyo madali lang naman ung test, pero ngayon kailangan kong pag-aralan tungkol sa military para sa ROTC bukas! Waaaah! Everyday kasi may subject na may pinapagawang mahabang-mahabang assignment so wala talaga akong time para mag-aral other than tonight. Tapos pumunta pa ako sa Robinson's kanina kasi birthday ni Mharvz, kaya di ako nakauwi kagad. Oh well. Wish me luck! I'll pray really hard tonight!

Tuesday, June 6, 2006

Quickie

OK, just a quick one before I study... Seriously! Well, it turns out hindi naman pala nawawala ung form ko sa guidance office. Naiwan ko pala xa dito sa bahay kaya wala sa bag ko . Anyway, na-submit ko na sya kay Gabo. Sya na bahala dun.

Grabe, lagpas 6 na pala nung umuwi ako! Ung Kapatiran shit kasi eh... Sa totoo lang ayokong sumama kasi added obligation lang pero nakakahiya kasi kay Ate Manelle, text xa ng text tapos hindi ko papansinin? Hindi naman ako ganun no. I talked to Gabo about it para malaman kung go kami, eh go sya, so go na din ang grupo. It was fun naman eh, medyo nakakapagod nga lang. Hindi pa kami makakasama bukas sa RP! Sa bagay, almost everyday kami dun nung High School. Pero iba naman ngayon, mga blockmate ko kasama ko . Oh well. Sama nalang ako sa susunod. Pag medyo malayo na pupuntahan, para maiba naman. Sus, nung Saturday lang nandun ako, tapos nung April halos araw-araw kami nandyan ng GGC. Basta. Sige na, humahaba na to. Kailangan ko nang mag-araaaaaaaaall!!!

Monday, June 5, 2006

Kailangan ko nang mag-aral!

Haaay, eto nanaman ako. Pa-computer-computer lang habang naghihintay yung mga kailangan kong pag-aralan sa accounting! Nakakatamad kasi eh! Ewan ko ba, basta wala ako sa mood mag-aral ngayon. May test pa naman bukas... Siguro mamaya nalang. Mahirap piliting mag-aral, wala ring papasok sa utak ko. I'm just like that. I'll study when I feel like it. It would probably be more effective anyway. Nakakapanghinayang lang kasi I'm wasting time but at least hindi ako maxadong stressed. Mas importante na gwapo ka sa La Salle kaysa matalino . Bad trip pa, nawala ko ung pinapasagutan ng guidance. Oh well, wala naman akong linagay dun na nakakahiya pag nakita ng iba. Pero ang haba nun. Ginandahan ko pa man din sulat ko . I don't want to have to repeat answering those questions again. Pero it doesn't look like I have a choice. Oh well. Sayang ung envelope na binili ko na may tatak ng La Salle.

Sunday, June 4, 2006

1st post!

Hoy! Hehe, wala lang. Wala akong magawa eh, so I decided to give this blogging thing a try. I tried this before though, ako pa nga gumawa ng HTML code eh! Hehe. Pero tinamad ako nun. Meron din akong journal noon sa gamingforce, kaso when it crashed, na-delete ung mga post ko. Sayang! Haha. One of these days magsasawa din ako at tatamarin din ako gumawa ng mga post, but for the meantime, basahin nyo muna to!

well, I just finished that test in http://www.politicalcompass.org and the results were, as expected, ayoko sa gobyerno. Kasalanan to ni Beltran eh! Haha. Pero seriously, liberal ako mag-isip pagdating sa politics. Tahimik lang ako kasi wala akong masyadong alam about current events or politics in general. Hehe. Pero ngayong may POLISCI subject ako, that's bound to change . I don't want to be like my dad though. Parang papatay kung makipag-argue about politics. Para namang may magbabago pag napatunayan mong tama ang opinyon mo tungkol kay Gloria sa mga kapatid ng asawa mo. Sa bagay, kung di mo rin sasabihin, maslalong walang mangyayari. Oh well. The mirror has two sides. Haha, san ko ba nakuha un? Sa survey yata sa Friendster.

Speaking of Friendster, buti nalang binasa ko ung bulletin ni Tasing, naalala kong may assignment pala sa ACTBAS1! Para sa mga hindi Frosh ng La Salle, Accounting un. Formerly known as Accom1 yata. Buti nalang din at nabasa ko ung sirvey na yun dahil muntik na ko mag-post ng ganung survey din na galing kay Rap. Baka isipin ni Tasing lahat nalang ng pinost nya rinerepost ko. Haha. Di nalang ako nagpost ng survey. Nakakatamad sumagot ng mga tanong na wala namang babasa. Haha. Sa bagay, nakakatamad rin namang magpost ng Blog Entry na wala ding babasa. Pero sa ngayon di pa ko tinatamad, kaya hayaan nyo nalang muna ako.