Saturday, July 22, 2006

I got friggin' contacts!

I finally got contact lenses! Yay! I've always wanted to wear those things because I sweat really easily and nakakailang ung pakiramdam pag pinagpapawisan ka tapos naka-glasses ka. Lalo na pag metal ung frame mo. Ayaw ng mom ko na mag-contacts ako kaya ako nalang gumastos. Mayaman naman ako eh. . After ROTC, I wanted to eat kaso parang ang lonely naman kasi ako lang mag-isa, so I decided to eat at the mall, which lead to another question... Saang mall? Gusto ko sana pumunta ng Glorietta kaso medyo nakakahiya kasi naka-fatigues and matching combat boots pa ko (with grass accents) tapos naisip ko rin na sa RP kaso di ako maxadong familiar sa mga optical shops dun kaya I ended up just going to SM San Lazaro. Naisip ko din na kumain nalang sa Karate Kid kasi sobrang uhaw na uhaw na ko, eh sa Karate Kid botomless ung drinks . Nag-hesitate pa nga ako kasi medyo lasang gamot ung punch nila, pero umasenso na pala Karate Kid, 2 na flavor ng punch nila! Yay! I ordered the black tea, which is the new and much better flavor.

After that, nag-canvass na ko. Sabi ni Ate Anna mura daw sa Executive Optical, pero I asked around just to be sure. Buti nalang. Sa 3 optical shop na pinuntahan ko, dun pinaka-mahal! Dun nalang ako bumili sa George Optical, which is the same place I got my glasses from. Nagpa-check-up ako uli ng mata para sigurado ako sa grado ng contacts ko, tapos may iba pang chineck ung opteometrist (tama ba?) na kung-ano ano na di ko naman alam kung ano ibig sabihin. Pero OK lang. I was trying to kill time anyway, and besides, the check-up is free! After nun, sinabi sa akin na kailangan dalawang pair bilhin ko kasi magkaiba grade ng mata ko, so OK lang. Tinanong ko din kung may kasama nang case ung contacts. Sabi ng clerk, ung isang solution meron nang kasama. So bumili na din ako ng solution. 2 pairs of contact lenses, solution (which she personally recommended) at lalagyan - 799 pesos. Haha. Isang pair lang yata un sa EO. Yay. I just have to claim it on Monday kasi wala silang stock nung isa.

Thursday, July 13, 2006

Yay! Walang pasok!

Yehey! Dahil sa bagyong si Florita (who the hell thought of that name!?) walang pasok ngayon! Actually kahapon ng tanghali pa suspended ang klase, pero di naman kami apektado kasi hanggang 11:30 lang naman classes namin kahapon. Well, at least di na natuloy yung General Assembly ng Moomedia. I was actually excited to attend, kaso kami lang ni Gabo ung aatend kaya parang tinamad na ko. Ang lakas pa ng ulan kaya gusto ko na talagang umuwi that time. Pero anyway... Dahil walang pasok ngayon, hindi ko na kailangan mag-cram sa accounting! Bwahahahaha! Ngayon kasi dapat ung deadline ng Case Study, at wala pa akong nasisimulan! But thanks to the suspension of classes, hindi ko na kailangan magmadali. Medyo nahihirapan ako pero OK lang. Sa Tuesday pa naman ung submission eh! Bwahahahaha! Problema ko nalang ngayon ung sa TREDONE (Theology and Religious Education 1). Di ko pa nagagawa ung portfolio! Waaaaaahhh! Sa bagay, sa Tuesday pa din naman ung submission nun eh, pero xempre mas mabuti nang matapos ako ng maaga. Ang hirap kasi sa DLSU, everyday may assignment, kaya dapat talaga pagkabigay sa yo ng homework gawin mo na kagad to make time for other assignments that will be given. Oh well. A basta. Gagawin ko na nga to!

Wednesday, July 12, 2006

Bloggidy blog blog blog

Haaaay nako. I know I said that I would eventually just leave this thing stagnant, but it turns out, eto nalang pala i-uupdate ko dito sa multiply site ko! Di naman kasi ako mahilig kumuha ng picture ng sarili ko, di rin ako kumukuha ng video, nag-upload na ko ng music at sa tingin ko naman ay OK na un, at may calendar na ako sa cellphone. Kailangan ko pa bang ilagay sa multiply yung schedule ko? Ung reviews, well, hopefully soon makakapagsulat din ako ng review.

Speaking of cellphone, lumabas na pala ung malupeeet na E70! Medyo steep ung pirce, pero I won't be buying it anytime soon naman eh. Alam nyo naman, medyo matipid ang aking mama, lalo na pagdating sa akin, so I'll probably get a new phone sa birthday ko pa. Medyo laos na un pero ayos lang. At least hindi ako naka-RAZR. Hahaha. Lahat nalang ng tao un ang cellphone. Pero di din ako sigurado kung un ung gusto ko. Parang mas OK yung N71 eh. More features. Un nga lang wala xang keyboard, which is really cool . Pero anyway, matagal pa oras ko para mag-decide. Sana lang matupad nga ang pangarap kong magkaroon ng bagong cellphone.

Bwiseeet na accounting yan! Ang hirap ng test! Sobrang nakakapagpasabog ng utak! Ang lamig pa dun sa room! Grabe, akala ko matatapos ako kaagad. Un pala sakto lang ung 3 oras na time! Tapos may cast study shit pa kami. Haaaay. Bwiset. Pahirap sa buhay. Now I understand why a lot of people fail this course. Sana nag ROTC nalang ako. Haha. Pinahawak na kami ng rifle eh. Ang saya, walang exercise. Kailangan lang namin buhatin ung rifle, which is quite heavy for your information, pero mas OK na un kaysa mag push-up. Bad trip nga lang kasi hindi ako makaka-attend this Saturday because of the Church's anniversary. Hindi pa man din ako maxadong marunong maghawak ng rifle. Pero mahahabol ko pa naman siguro yun next week. Sana... Pero mas OK kung ma-suspend nalang ung training sa Saturday, para wala akong absent at wala akong mamiss.

Friday, July 7, 2006

Pretty hectic

Ngayon ko lang naramdaman na nasa school pala ako. Nung mga unang weeks sobrang "chillax" lang kami eh, or at least ako. Akala ko tuloy tambayan lang ang La Salle. School nga pala xa. Haha.

Well, I guess I don't need to mention it, pero highest nanaman ako sa accounting! Actually madaya nga eh. Pagkakaalam ko marami akong mali dun eh, pero isa lang ung nakita ni sir, at 0.5 mistakes ako! Un nga lang medyo sumemplang ako sa Quiz # 3. Or is it # 4? Haha. Whatever. Basta ung may Balance Sheet. 36.5/45 yata ung score ko. Pero OK lang un. Problema ko nalang sa accounting ung mid-terms bukas, which is right after ROTC, by the way. I'm really not good at making financial statements. Oh well. I guess I'll just have to pray harder tonight .

Speaking of ROTC, hindi na sya masyadong masaya. Ang hirap talaga ng exercises. Push-ups. Squatras. Jumping jacks. Pumping. Sabi ko na nga ba eh. Sinwerte lang ako kasi may activity nung 1st training day ko kaya OK pa. Pero sa tingin ko naman kakayanin ko un eh. Ang mahirap talaga ung pag pinaparusahan ka. Like nung Saturday, nagkaroon ung battalion namin ng 9 demerits. Konti lang naman diba? Kaso ung parusa x5, kaya 45 na squatras kailangan naming gawin. Sige, kakayanin. Nagkaroon kami ng 30 minute break, as usual. Pero unusually ngayon, di na kami pwedeng lumabas! E wala namang pagkain sa canteen. Pero OK lang. Unlike that fateful day that I almost fainted, I ate before I came to school, so I wasn't that hungry. Nagpahinga nalang kami. Pero eto pa isang malupet, tinawag kami ng marchers nung time na! Dapat nagbigay man lang sila ng warning... So ayun, takbo kami sa field. Naka-form na kami pero nagbibilang pa rin si Sir Favis. Akala ko naman kasi may gumagalaw pa. Wala naman. Un pala, kaya nagbibilang sya, hinihintay nya kami gumalaw! Masyado pala kaming malapit sa kanya. Malay ba namin? Hindi naman tinuro sa amin kung saan pepwesto eh. Eh di un. Parusa nanaman. 50 squatras. Ganun-ganun lang ba un!? Pero naghanda na ko for tomorrow. I went to the gym, and I bought some food for tomorrow. And if the weather cooperates, hopefully walang ROTC bukas. Pero just in case, I'm more prepared. Bwahahahaha!

So ayun. Puro ROTC na laman ng blog ko. Iba naman. Hehe. So ayun nga. Bigla akong nakaramdam ng pressure sa studies... Biglang dumami mga pinapagawa sa amin. Sa Inthrop, panibagong topic. Sa Algeb, may malupeeet na quiz kanina na hindi ko magets. Sa Physics, muntik na kong bumagsak sa quiz, tapos ang dami pang assignments. Sa Theology, may 3 kaming midterm project - report on Hinduism, Coat of Arms and ung Portfolio. At xempre ang walang kamatayang accounting, na kaisa-isang subject na may midterm exam! Bukod pa dun ung case study! Buti pa si Bitanga, minsan lang pumasok. Wala kaming natututunan pero at least nagkaroon kami ng break pag Monday at Friday. Sakto pa man ding lunch time ung period nya. Celebrate! Haha. Pero ang daming kailangang gawin. And as usual, nandito nanaman ako sa harap ng computer, nagpapakasenti sa multiply instead of working on my academics. Haaaay.