Sabi ko sa iyo eh, tatamarin din ako magsulat dito. Excited lang ako nung bago. Hehe. So, what the hell's been happening with my life anyway?
Since last Saturday, tumigil muna ako magyosi kasi nga baka lumalala ung asthma ko, pero ewan ko lang. Hindi naman yata talaga un ung cause eh. Maybe nagka-asthma ako kasi sobra ako pagpawisan, tapos bigla akong papasok sa malamig na classroom. Xempre, ang tagal pa bago ako makauwi kasi marami pang pabanjing-banjing kung saan-saan. Lalo na lately. Since may pasok na si Ate Anna, nag-aaral na uli sya sa library ng La Salle, kaya sabay na kami umuuwi. Which is at about 7. By that time tuyo na pawis ko. Tapos last Friday pa pauwi na ko when I saw my mom sa tapat ng tindahan namin. Papunta syang mall nun, so sumama na ko. Hehe. As usual pawis na pawis nanaman ako. Maybe I should start bringing an extra shirt to school. Naaah, magastos maxado. Kailangan ko lang siguro ayusin ung diet ko, kaso ang hiraaaap! Ilang beses ko na sinubukan pero ganun pa din. I just can't give up food. Despite popular belief, I actually like going to the gym, pero now that I have classes wala na kong time. If ever naman na may time, ang mahal ng pamasahe. If ever naman na may kotse ako, mahal ang gasolina at parking. Kung pupunta naman ako sa gym ni Kuya Jerome... Well... Wala lang. Ang cheap. Haha. Ang sama ko. Pero one of these days baka dun na din ako bumagsak. Maayos naman ung gym nya eh. I guess there's no hurt in trying. Pero pag ginusto ko na. I won't force myself. Oo nga pala, nagyosi na uli ako kanina. Isa lang naman eh. Hehehe.
Hmmm... What else? Oo nga pala, sumali na ko sa mga org sa school! Xempre sumali ako sa AdCreate Society kasi un ung org ng course ko, tapos sumali din ako sa Moomedia. Naubos nga pera ko eh. May membership fee kasi sila pareho. Pero magagamit ko naman siguro pareho un, so OK lang. Magbibigay nalang ako ng copy ng site ko sa Moomedia para makasali ako sa... Uhmmm... Ano nga pala tawag dun? Basta ung may kinalaman sa graphics! Haha. Kailangan daw nila ng sample ng work ko eh. Tamang-tama, may online portfolio ako! Naks, angas.
Di ko pa nga pala napagmamayabang sa blog na ito, highest nanaman ako sa quiz sa accounting! Ay mali, 2nd lang pala. Natalo ako ng 1 point nung hindi namin ka-block eh. Madelle yata pangalan nya. Pero OK lang un. 10 lang kami pumasa eh. Tapos 2.5 mistakes lang ako. Haha. Ang yabang ko nanaman.
Sige na mga friendly friends! Hanggang dito nalang muna!
No comments:
Post a Comment