hmmm... parang nawawala na sa uso ung Multiply a. Parang wala nang nagpopost. Kahit ako. Hahaha. Pinost ko na nga lang ung mga website na ginawa ko noon eh. Para naman may laman kahit papano ung site ko. Ang tagal ko nang di nagpopost! Waaaaahhhhh...
Ung huli ko palang post ung emo ako tungkol sa grades ko. Haha. OK na ko ngayon. Wala na tayong magagawa, un na un eh. Bawi nalang this term! Medyo nakakabadtrip pala ung sched ko ngayon. MW - 0710:10:20, TH - 0940-1610, F 0700-1630! Ang aga-aga ng pasok ko pag MWF, tapos sa TH ung unang subject Accounting! Nakakaasar. Umaasa na nga lang ako na madidissolve ung class na un kasi ung prof di rin magaling, pero konti lang ung nag-adjust, so ayun. I'm stuck with that schedule.
Hmmmmmm... Ano pa ba? Natalo Letran sa NCAA! Tinamad na siguro mga players kasi maglalaro na sila sa PBA. Pero un nga ung point siba? Sana man lang nag-iwan sila ng legacy, na ung huling season na naglaro sila para sa Letran napanalunan nila ung championship! Sayang, sa first round isa lang ung talo nila. Pero nasayang din. Sa bagay magaling din naman ung San Beda. Medyo lampa nga lang mga player nila at medyo madrama kaya laging may foul sa kabilang team, pero kanya-kanyang strategy yan.
No comments:
Post a Comment