Saturday, July 22, 2006

I got friggin' contacts!

I finally got contact lenses! Yay! I've always wanted to wear those things because I sweat really easily and nakakailang ung pakiramdam pag pinagpapawisan ka tapos naka-glasses ka. Lalo na pag metal ung frame mo. Ayaw ng mom ko na mag-contacts ako kaya ako nalang gumastos. Mayaman naman ako eh. . After ROTC, I wanted to eat kaso parang ang lonely naman kasi ako lang mag-isa, so I decided to eat at the mall, which lead to another question... Saang mall? Gusto ko sana pumunta ng Glorietta kaso medyo nakakahiya kasi naka-fatigues and matching combat boots pa ko (with grass accents) tapos naisip ko rin na sa RP kaso di ako maxadong familiar sa mga optical shops dun kaya I ended up just going to SM San Lazaro. Naisip ko din na kumain nalang sa Karate Kid kasi sobrang uhaw na uhaw na ko, eh sa Karate Kid botomless ung drinks . Nag-hesitate pa nga ako kasi medyo lasang gamot ung punch nila, pero umasenso na pala Karate Kid, 2 na flavor ng punch nila! Yay! I ordered the black tea, which is the new and much better flavor.

After that, nag-canvass na ko. Sabi ni Ate Anna mura daw sa Executive Optical, pero I asked around just to be sure. Buti nalang. Sa 3 optical shop na pinuntahan ko, dun pinaka-mahal! Dun nalang ako bumili sa George Optical, which is the same place I got my glasses from. Nagpa-check-up ako uli ng mata para sigurado ako sa grado ng contacts ko, tapos may iba pang chineck ung opteometrist (tama ba?) na kung-ano ano na di ko naman alam kung ano ibig sabihin. Pero OK lang. I was trying to kill time anyway, and besides, the check-up is free! After nun, sinabi sa akin na kailangan dalawang pair bilhin ko kasi magkaiba grade ng mata ko, so OK lang. Tinanong ko din kung may kasama nang case ung contacts. Sabi ng clerk, ung isang solution meron nang kasama. So bumili na din ako ng solution. 2 pairs of contact lenses, solution (which she personally recommended) at lalagyan - 799 pesos. Haha. Isang pair lang yata un sa EO. Yay. I just have to claim it on Monday kasi wala silang stock nung isa.

No comments:

Post a Comment